Karapatan ng Biktima
Noong Nobyembre 4, 2008, ibinoto ng mga botante ng California ang Proposisyon 9 bilang batas. Ang panukalang-batas na ito ay nagsususog sa Konstitusyon ng California. Ang susog ay naglalaman ng karapatan ng biktima na ngayon ay kilala bilang Marsy’s Law. Ang County ng Santa Clara District Attorney’s Office ay magpapatupad ng mga patakaran at pamamaraan na ayon sa batas sa mga karapatang ito.
Ang California Victims’ Bill of Rights
ay binibigyan ng karapatan
ang mga biktima ng krimen na:
Dignidad, pagiging patas at paggalang
Tratuhin na may paggalang sa iyong pagkapribado at malaya sa intimidasyon, panggugulo at pang-aabuso sa kabuuan ng sistemang panghustiyang kriminal o pang- kabataan.
Pagbabayad-Pinsala
Upang ipagpasiya ng korte ang mag-utos ng makatwirang kabayaran sa mga pinsala dulot ng krimen, ayon sa isinumite ng biktima at/o ng kanyang pamilya.
Proteksiyon mula sa nasasakdal at iba pa
Upang makatwirang maprotektahan mula sa nasasakdal at mga taong kumikilos para sa nasasakdal.
Tanggihan ang pakikipanayam ng depensa
Ang abilidad na tumanggi o maglapat ng mga makatwirang kondisyon para sa isang panayam, deposisyon, o pagtuklas ng abogado ng depensa o mga taong may kaugnayan sa nasasakdal.
Pag-iwas sa pagsisiwalat ng kumpidensyal na impormasyon ng biktima
Ang karapatang pigilan ang pagsisiwalat ng kumpidensyal na impormasyon o mga rekord na maaaring
gamitin upang hanapin o i-harass and biktima at/o ang kanilang pamilya, o na ang pagsisiwalat ng mga legal na kumpidensyal na mga komunikasyon, kabilang ang medikal o pagpapayo sa paggamot.
Kaligtasan ng biktima/pamilya sa pagbibigay ng piyansa at ang mga kondisyon sa paglaya
Isinaalang-alang ang kaligtasan ng biktima at ng kanyang pamilya kung nagpapasiya sa halaga ng piyansa at mga kondisyon ng paglaya para sa nasasakdal.
Isang mabilisang paglilitis at pinal na pagtatapos ng kaso
Para sa isang mabilisang paglilitis na hangga’t maaaring mangyari at maagap at
pinal na pagwawakas ng kaso at anumang kaugnay na paglilitis pagkatapos ng hatol.
Magbigay ng isang Victim Impact Statement (Pahayag ng Epekto sa Biktima) sa korte at/o probation department
Upang magbigay ng impormasyon sa probation officer na nagsasagawa ng imbestigasyon bago sentensiyahan (presentence) at sa korte tungkol sa epekto ng krimen sa biktima/pamilya kasama
ang epekto sa sentensiya at/o mga rekomendasyon bago sentensiyahan ang nasasakdal.
Pagsasaalang-alang ng kaligtasan ng biktima/pamilya at publiko sa pagpapasiya ng mga kondisyon ng parole at pagpapalaya ng nasasakdal
Upang isaalang- alang ang kaligtasan ng biktima at/o pamilya at publiko bago, habang, ginagawa ang desisyon sa parole at iba pang desisyon sa pagpapalaya pagkatapos ng hatol.
Mabilis na pagsauli ng ari-arian
Ang pahintulot sa mabilis na pagsauli ng ari-arian kung hindi na ito kinakailangan bilang
ebidensya sa paglilitis sa korte.
KAPAG HINILING:
Mapakinggan sa anumang paglilitis sa korte kung saan isyu ang karapatan ng biktima
Upang mapakinggan sa anumang paglilitis, kasama ang paglilitis ng delingkuwenteng kabataan,
kinabibilangan ng desisyon ng paglaya pagkatapos maaresto, isang plea,
pagsesentensiya, isang desisyon ng paglaya pagkatapos mahatulan, o anumang paglilitis kung saan isyu ang karapatan ng biktima.
Abiso ng pag-aresto ng nasasakdal, pagsampa ng demandang kriminal, at pag-alok na lutasin ang kaso
Upang makatanggap ng makatwirang abiso mula sa District Attorney’s Office tungkol sa pag-aresto at mga isinampang kaso laban sa nasasakdal, at upang makipag- usap sa taga-usig tungkol sa mga inihain upang lutasin ang kaso bago ang paglilitis.
Abiso at pagdalo sa lahat ng mga pampublikong paglilitis
Upang makatanggap ng makatwirang abiso sa at makadalo sa lahat ng pampublikong paglilitis kung saan ang nasasakdal at ang taga-usig ay nandoon, at lahat ng mga paglilitis sa parole o post-release (pagkatapos ng paglaya).
Makatanggap ng pre-sentence report (ulat bago sentensiyahan) mula sa probation department
Makatanggap ng kopya ng presentence report (ulat bago sentensiyahan), maliban sa mga bahagi
na kumpidensyal na sang-ayon sa batas, kung ito’y maibibigay sa nasasakdal.
Abiso sa pagkahatol sa nasasakdal, pagsesentensiya, at custody status (katayuan ng kustodiya)
Upang maabisuhan ng hatol, sentensiya o mga kondisyon ng sentensiya, lugar at oras ng pagkakulong, at ang takdang petsa ng paglaya o pagbabago ng kustodiya ng nasasakdal.
Abiso at pagdalo sa mga pagdinig ng parole at ang paglaya ng nasasakdal
Upang maabisuhan ng lahat ng mga pamamaraan ng parole, dumalo at magsalita sa mga
pagdinig ng parole, at makatanggap ng makatwirang abiso ng petsa ng parole at mga
kondisyon o paglaya ng nasasakdal.